User guide ng Nokia 2.3

Skip to main content
All Devices

Nokia 2.3

Mga access code

Alamin kung para saan ang iba't ibang code sa iyong telepono.

PIN o PIN2 code

Ang mga PIN o PIN2 code ay may 4-8 digit.

Pinoprotektahan ng mga code na ito ang iyong SIM card laban sa hindi awtorisadong paggamit o kinakailangan ang mga ito para ma-access ang ilang feature. Maaari mong itakda ang iyong telepono na hingin ang PIN code kapag in-on mo ito.

Kung makalimutan mo ang mga code o hindi ibingay ang mga iyon kasama ng iyong card, makipag-ugnayan sa service provider ng iyong network.

Kung 3 beses na magkakasunod mong nai-type nang mali ang code, kailangan mong i-unblock ang code gamit ang PUK o PUK2 code.

Mga PUK o PUK2 code

Kailangan ang mga PUK o PUK2 code para i-unblock ang PIN o PIN2 code.

Kung hindi ibinigay ang mga code kasama ng iyong SIM card, makipag-ugnayan sa service provider ng iyong network.

Lock code

Kilala rin ang lock code bilang code ng seguridad o password.

Tumutulong sa iyo ang lock code na protektahan ang telepono mo laban sa hindi awtorisadong paggamit. Maaari mong itakda ang iyong telepono na hingin ang lock code na ibibigay mo. Panatilihing sikreto ang code at nasa isang ligtas na lugar, na hiwalay sa iyong telepono.

Kung makalimutan mo ang code at naka-lock ang iyong telepono, mangangailangan ng serbisyo ang iyong telepono. Maaaring may mga karagdagang singil, at maaaring matanggal ang lahat ng personal na data sa iyong telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng serbisyo para sa telepono mo, o sa dealer ng iyong telepono.

IMEI code

Ginagamit ang IMEI code para kilalanin ang mga telepono sa network. Maaaring kailangan mo ring ibigay ang numero sa iyong awtorisadong pasilidad ng serbisyo o dealer ng telepono. Para tingnan ang iyong IMEI code:

  • i-dial ang *#06#
  • tingnan ang orihinal na sales box

Kung naka-print ang IMEI code sa iyong telepono, baka makita mo ito, halimbawa, sa SIM tray o sa ilalim ng takip sa likod, kung may naaalis na cover ang telepono mo.

Hanapin o i-lock ang iyong telepono

Kung mawala mo ang iyong telepono, maaari mong hanapin, i-lock, o burahin ito nang malayuan kung nag-sign in ka sa isang Google Account. Default na naka-on ang Hanapin Ang Aking Device para sa mga teleponong nauugnay sa isang Google Account.

Upang magamit ang Hanapin ang Aking Device, ang iyong nawawalang telepono ay dapat:

  • Naka-on
  • Naka-sign in sa isang Google Account
  • Nakakonekta sa mobile data o Wi-Fi
  • Nakikita sa Google Play
  • Naka-on ang lokasyon
  • Naka-on ang Hanapin ang Aking Device

Kapag kumonekta ang Hanapin ang Aking Device sa iyong telepono, makikita mo ang lokasyon ng telepono, at makakatanggap ng notification ang telepono.

  1. Buksan ang android.com/find sa isang computer, tablet, o teleponong nakakonekta sa internet at mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Kung ikaw ay may higit sa isang telepono, i-click ang nawawalang telepono sa itaas na bahagi ng screen.
  3. Sa mapa, tingnan kung nasaan ang telepono. Ang lokasyon ay pagtatantya at maaaring hindi ito tumpak.

Kung hindi mahanap ang iyong device, ipapakita ng Hanapin ang Aking Device ang huling natukoy na lokasyon, kung ito ay available. Upang ma-lock o mabura ang iyong telepono, sundin ang mga tagubilin sa web site.

Did you find this helpful?
  • Panatilihing napapanahon ang telepono mo
  • Mga key at piyesa
  • Ilagay ang SIM at mga memory card
  • I-charge ang iyong telepono
  • I-on at i-set up ang iyong telepono
  • Mga setting ng Dual SIM
  • I-lock o i-unlock ang iyong telepono
  • Gamitin ang touch screen
Protektahan ang iyong telepono
  • Protektahan ang iyong telepono gamit ang isang lock ng screen
  • Protektahan ang iyong telepono gamit ang iyong mukha
  • Palitan ang PIN code ng iyong SIM
  • Mga access code

Useful Links

PDFSoftware UpdatesFull SpecificationsEnvironmental Profile

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you