User guide ng Nokia 5.3

Skip to main content
All Devices

Nokia 5.3

Gamitin ang touch screen

Mahalaga: Iwasang magasgas ang touch screen. Huwag kailanman gumamit ng aktwal na pen, lapis, o iba pang matulis na bagay sa touch screen.

I-tap nang matagal para mag-drag ng item

I-tap nang matagal para mag-drag ng item

Ilagay ang iyong daliri sa ibabaw ng item nang ilang segundo, at i-slide pahalang ang iyong daliri sa screen.

Mag-swipe

Mag-swipe

Ilagay ang iyong daliri sa screen, at i-slide ang iyong daliri sa gusto mong direksyon.

Mag-scroll sa isang mahabang listahan o menu

Mag-scroll sa isang mahabang listahan o menu

Mabilis na i-slide ang iyong daliri sa mosyon na papitik pataas o pababa sa screen, at iangat ang iyong daliri. Para ihinto ang pag-scroll, i-tap ang screen.

Mag-zoom in o out

Mag-zoom in o out

Maglagay ng 2 daliri sa ibabaw ng isang item, tulad ng mapa, litrato, o web page, at i-slide palayo o palapit sa isa't isa ang iyong mga daliri.

I-lock ang orientation ng screen

Awtomatikong iikot ang screen kapag ipinihit mo ang telepono nang 90 degrees.

Para i-lock ang screen sa portrait mode, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen, at i-tap ang Auto-rotate.

Mag-navigate gamit ang mga galaw

Para i-on ang paggamit ng pag-navigate gamit ang galaw, i-tap ang Mga Setting > System > Mga Galaw > Pag-navigate ng system > Pag-navigate gamit ang galaw.

  • Para makita ang lahat ng iyong app, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
  • Para pumunta sa home screen, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen. Mananatiling nakabukas sa background ang app na ginamit mo.
  • Para makita kung aling mga app ang nakabukas sa iyo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen nang hindi iniaangat ang iyong daliri hanggang sa makita mo ang mga app, at pagkatapos ay iangat ang iyong daliri.
  • Para lumipat sa ibang nakabukas na app, i-tap ang app.
  • Para isara ang lahat ng nakabukas na app, mag-swipe pakanan sa lahat ng app, at i-tap ang I-CLEAR LAHAT.
  • Para bumalik sa nakaraang screen kung nasaan ka, mag-swipe mula sa kanan o kaliwang gilid ng screen. Natatandaan ng telepono mo ang lahat ng app at website na binisita mo mula noong huling beses na na-lock ang screen mo.

Mag-navigate gamit ang mga key

Para i-on ang mga key sa pag-navigate, i-tap ang Mga Setting > System > Mga Galaw > Pag-navigate ng system > Pag-navigate gamit ang 3 button.

  • Para makita ang lahat ng iyong app, i-swipe pataas ang home key radio_button_checked.
  • Para pumunta sa home screen, i-tap ang home key. Mananatiling nakabukas sa background ang app na ginamit mo.
  • Para makita kung aling mga app ang nakabukas sa iyo, i-tap ang stop.
  • Para lumipat sa ibang nakabukas na app, mag-swipe pakanan at i-tap ang app.
  • Para isara ang lahat ng nakabukas na app, mag-swipe pakanan sa lahat ng app, at i-tap ang I-CLEAR LAHAT.
  • Para bumalik sa nakaraang screen, i-tap ang . Natatandaan ng telepono mo ang lahat ng app at website na binisita mo mula noong huling beses na na-lock ang screen mo.
Did you find this helpful?
Magsimula
  • Panatilihing napapanahon ang telepono mo
  • Mga key at piyesa
  • Ilagay ang SIM at mga memory card
  • I-charge ang iyong telepono
  • I-on at i-set up ang iyong telepono
  • Mga setting ng Dual SIM
  • I-lock o i-unlock ang iyong telepono
  • Gamitin ang touch screen

Useful Links

PDFSoftware UpdatesFull SpecificationsEnvironmental Profile

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you