User guide ng Nokia 6.2

Skip to main content
All Devices

Nokia 6.2

Gamitin ang touch screen

Mahalaga: Iwasang magasgas ang touch screen. Huwag kailanman gumamit ng aktwal na pen, lapis, o iba pang matulis na bagay sa touch screen.

I-tap nang matagal para mag-drag ng item

I-tap nang matagal para mag-drag ng item

Ilagay ang iyong daliri sa ibabaw ng item nang ilang segundo, at i-slide pahalang ang iyong daliri sa screen.

Mag-swipe

Mag-swipe

Ilagay ang iyong daliri sa screen, at i-slide ang iyong daliri sa gusto mong direksyon.

Mag-scroll sa isang mahabang listahan o menu

Mag-scroll sa isang mahabang listahan o menu

Mabilis na i-slide ang iyong daliri sa mosyon na papitik pataas o pababa sa screen, at iangat ang iyong daliri. Para ihinto ang pag-scroll, i-tap ang screen.

Mag-zoom in o out

Mag-zoom in o out

Maglagay ng 2 daliri sa ibabaw ng isang item, tulad ng mapa, litrato, o web page, at i-slide palayo o palapit sa isa't isa ang iyong mga daliri.

I-lock ang orientation ng screen

Awtomatikong iikot ang screen kapag ipinihit mo ang telepono nang 90 degrees.

Para i-lock ang screen sa portrait mode, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen, at i-tap ang Auto-rotate.

Gamitin ang mga navigation key

  • Para makita ang lahat ng iyong app, i-swipe pataas ang home key at pagkatapos ay i-swipe ito ulit pataas.
  • Para pumunta sa home screen, i-tap ang home key. Mananatiling nakabukas sa background ang app na ginamit mo.
  • Para makita kung aling mga app ang nabuksan mo, i-swipe pataas ang home key.
  • Para lumipat sa ibang bukas na app, mag-swipe pakanan.
  • Para magsara ng app, i-swipe ito pataas.
  • Para isara ang lahat ng bukas na app, mag-swipe pakanan sa lahat ng app, at i-tap ang I-CLEAR LAHAT.
  • Para bumalik sa nakaraang screen kung nasaan ka, i-tap ang back key keyboard_arrow_left. Natatandaan ng telepono mo ang lahat ng app at website na binisita mo mula noong huling beses na na-lock ang screen mo.

Display ng telepono mo

Ikaw ba ay nanonood ng mga video, tumitingin ng mga larawan, nagbabasa ng mga online na aklat, o naglalaro gamit ang telepono mo? Para makita ang screen nang mas mabuti, i-on ang dynamic mode para awtomatikong isaayos ang kulay, contrast, at liwanag ayon sa paggamit mo.

I-tap ang Mga Setting > Display > Advanced > PureDisplay, at i-on ang mga Dynamic mode.

Para piliin kung aling mga app ang gagamit sa dynamic mode, i-tap ang Mga Setting > Display > Advanced > PureDisplay > mga Dynamic mode. Pumili ng mode, halimbawa, Larawan at i-enable ang mga app sa listahan.

Kung gusto mong pahusayin ang kalidad ng mga kulay sa screen mo sa mga sitwasyong hindi angkop o hindi sapat ang ilaw, i-on ang Auto white balance.

Kung gusto mong makakita pa ng mga detalye sa screen mo, i-on ang SDR sa HDR (standard dynamic range sa high dynamic range). Ginagawa nitong HDR na kalidad ang lahat ng content ng SDR na video nang real time.

Did you find this helpful?
Magsimula
  • Panatilihing napapanahon ang telepono mo
  • Mga key at piyesa
  • Maglagay ng SIM at memory card
  • I-charge ang iyong telepono
  • I-on at i-set up ang iyong telepono
  • Mga setting ng Dual SIM
  • I-lock o i-unlock ang iyong telepono
  • Gamitin ang touch screen

Useful Links

PDFSoftware Updates

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you