Nokia 6 user guide

Skip to main content
All Devices

Nokia 6

Bluetooth

Maaari kang kumonekta nang wireless sa iba pang mga akmang device, tulad ng mga telepono, computer, headset, at mga car kit. Maaari mo ring ipadala ang iyong mga larawan sa mga akmang telepono o sa iyong computer.

Kumonekta sa isang Bluetooth accessory

Maaari mong ikonekta ang iyong telepono sa maraming kapaki-pakinabang na Bluetooth device. Halimbawa, gamit ang isang wireless headset (hiwalay na ibinebenta), maaari kang makipag-usap sa telepono nang hands-free – maaari kang magpatuloy sa ginagawa mo, tulad ng paggawa sa iyong computer, habang nasa tawag. Ang pagkonekta ng telepono sa isang Bluetooth device ay tinatawag na pagpapares.

  1. I-tap ang Mga Setting > Bluetooth.
  2. Ilipat ang Bluetooth sa Naka-on.
  3. Tiyaking naka-on ang kabilang device. Maaaring kailanganin mong simulan ang proseso ng pagpapares mula sa kabilang device. Para sa mga detalye, tingnan ang user guide para sa isa pang device.
  4. Para ipares ang iyong telepono at ang device, i-tap ang device sa listahan ng mga nakitang Bluetooth device.
  5. Maaaring kailanganin mong mag-type ng passcode. Para sa mga detalye, tingnan ang user guide para sa isa pang device.

Dahil nakikipagkomunika ang mga device na may Bluetooth wireless technology gamit ang mga radio wave, hindi kailangan ng mga ito na literal na nakikita ang isa't isa. Gayunpaman, hindi dapat hihigit sa layong 10 metro (33 talampakan) ng isa't isa ang mga Bluetooth device, bagama't maaaring saklaw ang koneksyon ng interference mula sa mga harang tulad ng mga pader o mula sa iba pang mga electronic device.

Maaaring kumonekta ang mga nakapares na device sa iyong telepono kapag naka-on ang Bluetooth. Maaaring ma-detect ng ibang device ang iyong telepono kung nakabukas lang ang view ng mga setting ng Bluetooth.

Huwag magpares o tumanggap ng mga kahilingan sa pagkonekta mula sa hindi kilalang device. Makatutulong itong protektahan ang iyong telepono mula sa mapinsalang nilalaman.

Magdiskonekta ng nakapares na Bluetooth device

Kung hindi mo na kailangang panatilihing nakakonekta ang iyong telepono sa ibang device, maaari mong idiskonekta ang mga iyon.

  1. I-tap ang Mga Setting > Bluetooth.
  2. I-tap ang pangalan ng nakapares na device.
  3. I-tap ang OK para kumpirmahin.

Kapag in-on mong muli ang kabilang device, awtomatikong magbubukas muli ang koneksyon.

Mag-alis ng pagpapares

Kung wala na sa iyo ang device kung saan mo ipinares ang iyong telepono, maaari mong alisin ang pagpapares.

  1. I-tap ang Mga Setting > Bluetooth.
  2. I-tap ang settings sa tabi ng pangalan ng device.
  3. I-tap ang KALIMUTAN.

Kumonekta sa telepono ng iyong kaibigan gamit ang Bluetooth

Maaari mong gamitin ang Bluetooth para wireless na kumonekta sa telepono ng iyong kaibigan, para magbahagi ng mga larawan, at higit pa.

  1. I-tap ang Mga Setting > Bluetooth.
  2. Tiyaking naka-on ang Bluetooth sa parehong telepono.
  3. Tiyaking nakikita ng mga telepono ang isa't isa. Kailangang nasa view ng mga setting ng Bluetooth ka para sa iyong telepono para makita ng iba pang mga telepono.
  4. Makikita mo ang mga teleponong Bluetooth sa loob ng nasasakupan. I-tap ang telepono kung saan mo gustong kumonekta.
  5. Kung kailangan ng kabilang telepono ng passcode, i-type o tanggapin ang passcode, at i-tap ang Ipares.

Ginagamit lang ang passcode kapag kumonekta ka sa isang bagay para sa unang pagkakataon.

Ipadala ang iyong nilalaman gamit ang Bluetooth

Kapag gusto mong ibahagi ang iyong nilalaman o ipadala ang mga larawang kinunan mo sa isang kaibigan, gamitin ang Bluetooth para ipadala ang mga iyon sa mga akmang device.

Maaari kang gumamit ng mahigit isang koneksyon sa Bluetooth sa isang pagkakataon. Halimbawa, habang gumagamit ng Bluetooth na headset, maaari ka pa ring magpadala ng mga bagay sa iba pang device.

  1. I-tap ang Mga Setting > Bluetooth.
  2. Ilipat ang Bluetooth sa Naka-on.
  3. Pumunt sa nilalamang gusto mong ipadala, at i-tap ang share > Bluetooth.
  4. I-tap ang device na kokonektahan. Makikita mo ang mga Bluetooth device sa loob ng nasasakupan.
  5. Kung kinakailangan ng kabilang device ng passcode, i-type ang passcode. Ang passcode, na maaari mong gawin, ay dapat na mai-type sa parehong device. Naka-fix ang passcode sa ilang device. Para sa mga detalye, tingnan ang user guide ng kabilang device.

Magdedepende sa isa pang device ang lokasyon ng mga natanggap na file. Para sa mga detalye, tingnan ang user guide para sa isa pang device.

Did you find this helpful?
  • Keys and parts
  • Insert or remove SIM and memory card
  • Charge your phone
  • I-on at i-set up ang iyong telepono
  • Mga setting ng Dual SIM
  • I-lock o i-unlock ang iyong telepono
  • Gamitin ang touch screen
Internet at mga koneksyon
  • I-activate ang Wi-Fi
  • Gumamit ng koneksyon sa cellular data
  • I-browse ang web
  • Magsara ng koneksyon
  • Bluetooth
  • NFC
  • VPN

Useful Links

PDFSoftware Updates

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you