Nokia G100 user guide

Skip to main content
All Devices

Nokia G100

Impormasyon sa baterya at charger

Impormasyon sa baterya at charger

Para makita kung naaalis o hindi naaalis ang baterya ng iyong telepono, tingnan ang naka-print na gabay.

Mga device na may naaalis na baterya Ang orihinal na nare-recharge na baterya lang ang dapat mong gamitin sa iyong device. Maaaring ma-charge at ma-discharge ang baterya nang daan-daang beses, pero masisira rin ito sa paglipas ng panahon. Kapag ang mga oras ng pakikipag-usap at standby ay kapansin-pansing mas maikli sa karaniwan, palitan ang baterya.

Mga device na may hindi naaalis na baterya Huwag subukang alisin ang baterya, dahil baka masira mo ang device. Maaaring i-charge at ma-discharge ang baterya nang daan-daang beses, pero masisira din ito sa paglipas ng panahon. Kapag ang mga oras sa pakikipag-usap at standby ay kapansin-pansing mas maikli kaysa sa karaniwan, para palitan ang baterya, dalhin ang device sa pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng serbisyo.

I-charge ang device mo gamit ang compatible na charger. Maaaring mag-iba-iba ang uri ng plug ng charger. Maaaring mag-iba-iba ang tagal ng pag-charge depende sa kakayahan ng device.

Impormasyong pangkaligtasan sa baterya at charger

Sa sandaling matapos ang pag-charge ng iyong device, alisin ang charger mula sa pagkakasaksak sa device at saksakan. Pakitandaang hindi dapat lalampas sa 12 oras ang tuluy-tuloy na pag-charge. Kung iiwang hindi ginagamit, mauubos ang charge ng isang naka-full charge na baterya sa paglipas ng panahon.

Nababawasan ng labis na temperatura ang kapasidad at itatagal ng baterya. Palaging panatilihin ang baterya sa pagitan ng 15°C at 25°C (59°F at 77°F) para sa pinakamagandang performance. Maaaring pansamantalang hindi gumana ang isang device na may mainit o malamig na baterya. Tandaan na maaaring maubos nang mabilis ang baterya sa malalamig na temperatura at maaari itong mawalan ng sapat na power para ma-off ang telepono sa loob ng ilang minuto. Kapag nasa labas ka sa malalamig na temperatura, panatilihing mainit ang iyong telepono.

Sumunod sa mga lokal na regulasyon. Mag-recycle kapag posible. Huwag itapon bilang basura sa bahay.

Huwag ilantad ang baterya sa napakababang air pressure o iwanan ito sa napakainit na temperatura, halimbawa, itapon ito sa apoy, dahil posible itong magsanhi ng pagsabog o pagtagas ng nagliliyab na likido o gas ng baterya.

Huwag kalasin, gupitin, durugin, baliin, tusukin, o kung hindi ay sirain ang baterya sa anumang paraan. Kung tatagas ang isang baterya, huwag hayaang madikit ang likido sa balat o mga mata. Kung mangyari ito, agad na hugasan ang mga apektadong bahagi ng tubig, o humingi ng tulong medikal. Huwag baguhin, subukang magpasok ng mga ligaw na bagay sa baterya, o ilubog o ilantad ito sa tubig o iba pang mga likido. Maaari sumabog ang mga baterya kung masira.

Gamitin ang baterya at charger para lang sa mga itinakdang layunin nito. Ang maling paggamit, o paggamit ng hindi naaprubahan o mga hindi akmang baterya o charger ay maaaring magdulot ng peligro ng sunog, pagsabog, o iba pang panganib, at maaaring mapawalang-bisa sa anumang pag-apruba o warranty. Kung naniniwala kang nasira ang baterya o charger, dalhin ito sa service center o sa dealer ng iyong telepono bago ipagpatuloy ang paggamit dito. Huwag kailanman gumamit ng napinsalang baterya o charger. Gamitin lang ang charger sa loob ng mga gusali. Huwag i-charge ang iyong device kapag kumukulog at kumikidlat. Kapag walang kasamang charger sa sales pack, i-charge ang iyong device gamit ang data cable (na kasama) at USB power adaptor (na posibleng hiwalay na ibinebenta). Maaari mong i-charge ang iyong device gamit ang mga cable at power adaptor mula sa third party na nakakasunod sa USB 2.0 o mas bago at sa mga naaangkop na regulasyon sa bansa at international at panrehiyong pamantayan sa kaligtasan. Posibleng hindi nakakatugon sa mga naaangkop na pamantayan sa kaligtasan ang ibang adaptor, at posibleng magdulot ng panganib na mawalan ng ari-arian o magkaroon ng personal na pinsala ang pag-charge gamit ang mga ganoong adaptor.

Para alisin sa pagkakasaksak ang isang charger o isang accessory, hawakan at hilahin ang plug, hindi ang kurdon.

Bukod pa rito, nalalapat ang sumusunod kung may naaalis na baterya ang iyong device:

  • Palaging i-off ang device at alisin sa saksak ang charger bago alisin ang baterya.
  • Maaaring magkaroon ng aksidenteng short-circuit kapag may dumikit na metallic na bagay sa mga metal strip na nasa baterya. Maaari nitong mapinsala ang baterya o ang ibang bagay.
Did you find this helpful?
  • Panatilihing napapanahon ang telepono mo
  • Keys and parts
  • Insert the SIM and memory cards
  • I-charge ang iyong telepono
  • I-on at i-set up ang iyong telepono
  • Gamitin ang touch screen
Impormasyon ng produkto at kaligtasan
  • Para sa iyong kaligtasan
  • Mga serbisyo ng at mga gastusin sa network
  • Mga emergency na tawag
  • Pangangalagaan ang iyong device
  • Recycle
  • Simbolo ng nakaekis na basurahan
  • Impormasyon sa baterya at charger
  • Maliliit na bata
  • Mga medical na device
  • Mga naka-implant na medical na device
  • Pandinig
  • Protektahan ang iyong device mula sa mapaminsalang nilalaman
  • Mga Sasakyan
  • Mga kapaligirang potensyal na sumasabog
  • Impormasyon ng sertipikasyon
  • Tungkol sa Digital Rights Management
  • Copyrights and other notices

Useful Links

PDFSoftware Updates

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you