User guide ng Nokia 130 2017

Skip to main content
All Devices

Nokia 130 2017

Mga key at piyesa

I-explore ang mga key at piyesa ng iyong bagong telepono.

Iyong telepono

Iyong telepono

Ang mga key at piyesa ng iyong telepono ay:

  1. Connector ng charger
  2. Earpiece
  3. Selection key
  4. Function key, call key
  5. Mikropono
  6. Function key, end call/power key
  7. Connector ng headphone
  8. Flash light
  9. Camera
  10. Loudspeaker
  11. Bahagi ng antenna
  12. Bukasan ng takip sa likod

Para ma-lock ang mga key, piliin ang Pumunta sa > I-lock ang keypad.

Para i-unlock ang mga key, mabilis na pindutin ang , at piliin ang I-unlock.

Para mabilis na i-on ang flash light, sa idle na screen, pindutin pataas ang scroll key nang dalawang beses. Para i-off ang ilaw, pindutin pataas ang scroll key nang isa pang beses. Huwag itutok ang ilaw sa mga mata ng sinuman.

Iwasang mahawakan ang bahagi ng antenna habang ginagamit ang antenna. Nakakaapekto ang pagkakadikit sa antenna sa kalidad ng komunikasyon at maaaring mabawasan ang itatagal ng baterya sanhi ng mas mataas na antas ng power sa oras ng pagpapagana.

Huwag kumonekta sa mga produktong naglalabas ng signal, dahil maaari nitong masira ang device. Huwag magkonekta ng anumang pinagmumulan ng boltahe sa connector ng audio. Kung magkokonekta ka ng panlabas na device o headset, bukod sa mga naaprubahan para gamitin sa device na ito, sa connector ng audio, bigyan ng pansin ang lakas ng volume.

Magnetic ang mga piyesa ng device. Maaaring mahila sa device ang mga materyal na gawa sa metal. Huwag maglagay ng mga credit card o iba pang magnetic na storage media malapit sa device, dahil maaaring mabura ang impormasyong nakaimbak dito.

Maaaring hiwalay na ibinebenta ang ilan sa mga accessory na nabanggit sa user guide na ito, tulad ng charger, headset, o data cable.

Tandaan: Maaari mong itakda ang telepono na manghingi ng code ng seguridad. Ang paunang itinakdang code ay 12345. Palitan ito para maprotektahan ang iyong pagkapribado at personal na data. Gayunpaman, tandaan na kapag pinalitan mo ang code, kailangan mong tandaan ang bagong code, dahil hindi ito mabubuksan o maba-bypass ng HMD Global.
Did you find this helpful?
Magsimula
  • Mga key at piyesa
  • I-set up at i-on ang iyong telepono
  • I-charge ang iyong telepono
  • I-lock o i-unlock ang mga key

Useful Links

PDFSoftware Updates

Countries and Languages

As we offer product user guides in many languages across different regions, you may be redirected to a Nokia phones web page outside of your selected location.

Countries and Languages

Choose Language

Contact the support team

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Start chat

Chat with us

Before starting chat with our customer support, please leave your contact details. Contact our chat support for online purchases support, product information, warranty support.

Fields marked with an asterisk are mandatory.

Your personal data will be processed according to HMD Global’s Privacy Policy and the HMD Support Supplement.

Email us

Tell us about your problem and we'll get back to you via email.

Contact us

Care centers

Prefer to bring your device in for our experts to have a look at? Find the location of your nearest Nokia & HMD phones, tablets and accessories care center.

Find a care center near you